Isang Dakot Na Salita, Isang Basong Gunita

Thursday, October 13, 2005

"Ang Mahiwagang Pantas"

Karimlan...
Binalot ng dilim ang
Mga paraisong parisukat
Mga puno ay naging
Mga diwata
Sa isang kaharian
Nagtipon ang mga pantas
Nagkaroon ng pagtatalo
At lahat ay nagwagi
Nagtalik ang mga
Diwata at pantas

Sa isang bilangguan
Na puno ng mabaho at
Maitim na usok
Isang uri ng usok
Na buhay at kumakapit
Sa kaluluwa ng sinumang
Mapasok dito
Nakapiit ang ibang mga pantas
Maraming rin ditong nagaganap
na mga pagtatalo
May mga nagwawagi
May mga natatalo

Ngunit sa isang payak na hardin
Na nasa ituktok ng
Naglalakbay na maputing ulap
Dito madalas matagpuan
Ang isang mahiwagang pantas
Sa harding ito niya
Nakakasalimuha ang iba't ibang
Pantas na tulad niya'y
Mahihiwaga rin naman
Minsan lamang ang mga pagtatalo
Subalit masisidhi at
Nakaririmarim ang mga
Minsanang pagtutunggaling ito

Sa bandang huli
Pinili ng mahiwagang pantas
Na manatili na lamang
Sa hardin sa ibabaw ng ulap
Sapagkat dito ay may
Malalalim na kahulugan ang
Mga pagtatalong kaniyang
Kinasangkutan...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home