Isang Dakot Na Salita, Isang Basong Gunita

Thursday, October 13, 2005

"Pusa sa Ilalim ng Puno"

Unti-unti akong nagiging
Pusa sa ilalim ng puno
Magaan ang pakiramdam
Subalit mabigat ang dinadala
Unti-unti akong kinakain
ng isang pwersang
Mapanganib, nakatatakot
Ako'y niluluoy ng sariling lakas
Lakas, na sa kalauna'y nagiging
Isang nakapanglalatang hila
Na nagdadala sa akin sa isang
Madilim na hukay
Gusto ko nang kumawala
Subalit ang puno ay nakaaakit
Malamig ang simoy ng hangin at
Nakaaaliw ang sinag ng araw
Ngunit kailangan kong tumungo sa
burol kung saan malakas ang buhos
Ng ulan Kailangan kong ginawin
At kailangan kong lumayo sa puno
Upang unti unti akong makabangong muli
Nang hindi nakahawak
sa anumang sanga o dahon
Kailangan kong maging ibon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home