Isang Dakot Na Salita, Isang Basong Gunita

Saturday, April 22, 2006

"Pilipinas, Daigdig, Kalawakan"

Sabay tayong sumubo
ng gulay
Sa daigdig
Na aking tinalikuran
At iyong hinarap
Kayrami mong nakita
Sa daigdig na mahiwaga
Ngunit sa Pilipinas
ay ikaw lamang ang
tangi kong nakikita
Sa pagyanig ng lupa
Ay napapatawa ka
Maraming anghel na
bumaba sa daigdig
upang magpalakas
Nakatitig tayo sa isa't isa
Pinipilit kitang
isama mo rin ako sa daigdig
na iyong nasasaksihan
Subalit pinili kong
manatili na lamang sa
Pilipinas
Kunsabagay, madalas naman
akong maglakbay sa kalawakan
Lalo na sa paglubog ng araw
Mga anghel, kabigha-bighani
Lalo na ang anghel na maitim
Sabay tayong umalis sa Pilipinas
At nakita ko rin ang daigdig
Bukas, maglalakbay tayo sa kalawakan...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home