"Kape"
Isang gabi,
Nagtimpla ako ng kape
At bumili ako ng pandesal
sa tindahan ni Aling Nitz
Gabi na at madilim
Malamig ang simoy ng hangin
Nag-init muna ako ng tubig
Tapos ay pinalamnan ko ng
mantikilya ang pandesal na aking
Binili sa tindahan
Pagkatapos ay umupo ako
sa harapan ng aming bahay
Tahimik ang gabi, walang tao sa labas
Puro kulisap ang maririnig
Nakaaantok ang dilim at nakabibighani
Ang liwanag ng buwan
May maputing ulap na kumukumot
sa mga bituin
Sinimulan kong lagukin
Ang mainit na kape
Gumuhit sa aking lalamunan ang
matamis at mapait na kape
kumagat ako ng pandesal
Tinitigan ko ang langit
Ang langit ay naging kape
Ang mga ulap ay naging pandesal
ako ay naging buwan
0 Comments:
Post a Comment
<< Home