Isang Dakot Na Salita, Isang Basong Gunita

Sunday, March 26, 2006

"Tag-araw"

Nanunuyong lalamunan
Mainit na kapaligiran
Hindi ko alam kung bakit
Siguro nagkataon lang

Tuyot na mga bukirin
Bakit isip ko'y tuyot din?
Pagdaloy ng ilog ay tumigil
Mga salita, naglalaho rin?

Marahil abala lamang ako
Sa trabaho at kung anu-ano
Marahil din ay sadyang ganito
Nagtatampo ang kaluluwa ko

Tampisaw sa pawis
Swimming sa init ng araw
Patak patak na parirala
Mga uhaw na salita

Tag-araw ng Pilipinas
Tag-araw rin ng isang makata
Ngunit kung puro tag-ulan nga naman
Walang singaw na aakyat sa kalangitan

Saturday, March 18, 2006

"Ng Bakit Kung Ako Tula Nagsusulat"

Hindi upang hindi maintindihan
Kundi upang di maging tahasan
Na ipahayag ang mga kahulugan
Nang sa gayon ay mapag-isipan

Sapagkat kung pagsubok ay di dragon
At kung hindi bundok, hindi daluyong
Kung mga pangarap ay di bituin
Tula ko kaya'y inyong pansinin?

Nagsusulat ako ng tula
Sapagkat ako'y isang tao
Lahat ng tao ay gumagawa ng mga tula
At kung di man nasusulat, mananatiling tula.


"Ng Bakit Kung Ako Tula Nagsusulat" first appeared on emanilapoetry.com and is reprinted here with consent of emanila.com pty ltd.

"I Was A Writer"

I was a writer
Now I am a pen
An invisible hand writes
It uses many pens
I am one of those pens
All of us are pens
But not all realize
That we are just pens
Some think they are writers
But actually, there is only one writer
A very good writer He is
Are you still a writer?
Or are you a pen?


"I Was A Writer" first appeared on emanilapoetry.com and is reprinted here with consent of emanila.com pty ltd.

"As x Approaches Infinity"

Let y be the number of
leaves falling from a tree
Let z be the number of
times we kissed each other
Assuming y plus z equals nothing
What is the limit of x plus y plus z
As x approaches infinity?
What is x?

"Isang Libong Tula Sa Loob Ng Isang Segundo"

Eto na
Sasabog na
Nakahanda na ang mga sandata
Hinihintay na lang ang senyas
Ng mga trumpeta
Lalarga na
Malapit na
Nakita mo yon?
Wala na
Tapos na.

"Prove That Otherwise Is False"

Is there God?
I can't prove there is.
But to prove that it is impossible
That there is none, is easy
I claim that it is not true
That there is no God
Then let us assume that that
is the case
That there is no God
Who created the Earth?
A human being couldn't have done so
God certainly didn't create it
For we now believe there is no God
So who created the Earth?
Who makes it revolve around the sun?
Who created the planets?
Who created the stars?
Who makes the flowers bloom?
Who colored the sky blue?
Who colored the rose red?
Who makes people fall in love?
Aliens perhaps?
What if God is an alien after all?
Now you have to prove
that otherwise is false...

Monday, March 13, 2006

"The Very Meaning Of Our Lives"

Umiinom tayo ng kape
Napipi ng malinaw na salamin
Ang maiingay na mga sasakyan
Na nag-uunahan, nagdadayaan,
nagsisingitan
P_t_ng_n_ng kape!
Bakit sobrang init ng kape!
Ang buhok mo, hindi mo na
naman sinuklay!
Tinanong kita:
"Pumasa ka ba sa exam nyo kanina?"
Ang sabi mo:
"The very meaning of our lives."
P_t_ng_n_ mo!
Malabo ka pa sa supot na labo!
Ang sabi mo ulit:
"The very meaning of our lives."
Muntik na akong mapa-tumbling.
Ang labo mo kasi.
Nagsalita ka ulit:
"Sabi yon ni Morpheus
sa pelikulang The Matrix.
Tingnan mo ang mga sasakyan
Hindi ba ang gago nila?"
Sabi ko "Oo."
"Mali", sabi mo
"Ang tunay na gago ay ang
nagmamaneho ng mga sasakyan."