"Kung Alam Mo Lamang"
Kung alam mo lamang
Kung gaano kita minahal
Kung alam mo lamang
Kung gaano ako nasaktan
Di naman ako nagagalit
Ni hindi nagtatampo
Ang sa akin lang naman
Ay kung sakaling alam mo
Kung alam mo lamang
Na walang nagdaang araw
Na ang iyong mukha
Sa isip ko'y di natanaw
Kapag naririnig ko
Ang tinig mo
Napapawi lahat
Ng kalungkutan ko
Kahapon at bukas
Kaya kong iwaksi
Para sa kasalukyang
Ikaw ay katabi
Ngumiti ka lamang
Ligaya ko'y walang paglagyan
Sa pagtawa mo nga'y
Para na akong lumulutang
Kung alam mo lamang
Ang nagawa mong pagbabago
Nang ikaw ay dumating
Sa buhay kong ito
Wala nang hinangad kundi
Pag-ibig mo
Wala nang pinangarap
Kundi pagsinta mo
Inaamin kong ako'y nasaktan
Nasaktan, nasaktan
Nalungkot, nasugatan
Gumulong sa lupa
Ang kulang na lamang
Kung alam mo lamang
Kahit di ka lumisan
Pakiramdam ko pa rin
Ako'y iyong iniwan
Pangako sa sarili
Magkakasya na lamang
Sa pagkakaibigan na
Ipinagdamot mo'y
Hindi naman
Nung umpisa pa lamang
Itinuring na akong kaibigan
Kaya nga humanga
Sa taglay mong kabaitan
Likas na marahil
Sa iyo ang kabanalan
Kaya't sandali lamang
Paghanga ko'y
Naging pagmamahal
Hay, pag-big
Anong saklap, anong hiwaga
Kulang na lamang
Ako'y tumawa't lumuha
Ako nga ba ay mayroon
Mayroon bang magagawa
Kung tayong dalawa
Ay hindi itinadhana
At saan natatapos
Natatapos kaya
Ang pag-ibig na minsang
Ako ay kinutya
Kung alam mo lamang
Itong isinusulat kong tula
Ay ayaw matapos
O bakit kaya?
Gaya na rin siguro
Ng pag-ibig kong aba
Hirap na wasakan
Ang paghawak sa pag-asa
Pag-asa, pag-asa
Hanggang kailan kaya?
Sana'y tumagal pa
Ngayong alam mo na...
"Kung Alam Mo Lamang" first appeared on
emanilapoetry.com and is reprinted here with
consent of emanila.com pty ltd.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home