Isang Dakot Na Salita, Isang Basong Gunita

Friday, June 30, 2006

"Hindi Napupulot Ang Karanasan"

Hindi napupulot ang karanasan
Hindi nililipad ng hangin
Sa ating harapan
Hindi natatalisod sa daan
Iba iba ang ating natatagpuan
Sa paglalakbay natin sa kalawakan
Mga hilaw na nakaraan
Butil ng gunita at usapan
Mga piraso ng tawanan
Hikbi, iyak, damayan
Umaraw man o umulan
Lindol, baha at digmaan
Mga hilaw na bubog ng karanasan
Ang ating dinadala't iniiwan
Dadaan muna sa init ng isipan
Pagmumuni at kabanalan
Bago sila maging karanasan
Na magagamit sa pakikipagsapalaran
Sa buhay, pag-ibig, pakikipagkaibigan
Hindi napupulot ang karanasan


"Hindi Napupulot Ang Karanasan" first appeared on
emanilapoetry.com and is reprinted here with
consent of emanila.com pty ltd.

"Ipinanganganak Ang Mga Tula"

Nang bumulong ang puso
Nang mangalabit ang isip
Nagtalik ang ideya at damdamin
Naghalikan ang teorya at pananampalataya
Sumirit ang mainit na emosyon

At sa karimlan ng pagdadalamhati
Sumabog ang hiwaga ng imahinasyon
Nagsanib ang mga punla
Ng iba't ibang karanasan at paniniwala
Hanggang sa mabuo ang isang tula

Ilang buwang inalagaan sa sinapupunan
Ilang taong hinubog ng mga karanasan
Kaytagal hinintay ang pagkasulat, kapanganakan
Wala pa man sa papel o limbagan
Anak nang itinuring ng makatang hinirang


"Ipinangangak Ang Mga Tula" first appeared on
emanilapoetry.com and is reprinted here with
consent of emanila.com pty ltd.

Tuesday, June 27, 2006

"It's You"

Maybe it's the way you smile
No, not maybe, it's the way you smile
It's the way you laugh
It's how you press "ENTER"
in the computer keyboard
Or the way you pick up the phone
It's how you talk
Or the way you walk
It's the way you tell a joke
Or the way you appreciate one
It's how you keep silent
It's the unpredictability
of your sweetness
It's your friendliness
It's what people say about you
It's what people do not say
about you
It's how bad I can miss you
Or how good it feels when I
see you
It's how you look
Or the way you look
It's your eyes
Definitely your eyes
It's what I know about you
It's what I don't know about you
It's your name.
It's your hands.
It's your hair.
It's you.


"It's You" first appeared on emanilapoetry.com and is reprinted here with consent of emanila.com pty ltd.

Saturday, June 24, 2006

Larawan Ko



Ako habang nakaupo sa isang bato, sa ilalim ng isang talon, sa ibabaw ng isang bundok sa Pilipinas.

Tuesday, June 13, 2006

"Hindi Kita Matingnan Sa Mata"

Batang paslit
Na nagtitinda ng sampagita
Sa tabi ng kalsada
Hindi kita matingnan sa mata

Matandang babaeng namamalimos
May kargang batang musmos
Gutom at nabubuhay sa kaunting barya
Hindi kita matingnan sa mata

Rugby boy
Payat ka, marumi at palaboy
Isip at katawan mo'y sinira ng droga
Hindi kita matingnan sa mata

Lalaki sa salamin
Ano ang iyong mga adhikain?
May ginawa ka na ba para tulungan sila?
Hindi kita matingnan sa mata


"Hindi Kita Matingnan Sa Mata" first appeared on emanilapoetry.com and is reprinted here with consent of emanila.com pty ltd.