"Sa Isang Iglap, Nababago Ang Lahat"
Sa isang iglap
Nagsayaw ang mga planeta
Sa isang iglap
Isip ko'y lumipad
Isang segundo
Isang kurap
Sa pagtama ng isang patak ng tubig
Sa isang butil ng buhangin
Sa pagsapol ng isang hibla ng liwanag
Sa isang piraso ng tuyong kahoy
Oo, isang iglap
Isang iglap lamang
Ay mararamdaman kong mahal kita
Isang iglap lamang
Ay maililigtas natin ang kalawakan
Isang iglap lamang
Ay mawawala ang kahirapan
Isang iglap lamang
Ay magiging reyalidad ang ideyalismo
Kung sabay sabay tayo
Kahit isang iglap
Ay mababago ang mundo
Kung sabay sabay tayong
Magmamahal
Rerespeto
Sa isang iglap, nababago ang lahat...
"Sa Isang Iglap, Nababago Ang Lahat" first appeared on emanilapoetry.com and is reprinted here with consent of emanila.com pty ltd.