Isang Dakot Na Salita, Isang Basong Gunita

Tuesday, October 25, 2005

"Isang Maginaw Na Umaga"

Nilalamig ako...
Nahulog pala ang kumot sa sahig
Maginaw ang umaga?
Electric fan lang pala
Ngunit maginaw pa rin...ang umaga
Masarap matulog
Nakakatamad bumangon
Maganda pa naman ang panaginip ko
Namatay daw ako
Nakita ko ang sarili ko sa
loob ng isang kabaong
Umiyak ako sa panaginip ko
Dahil kaya namatay ako?
O dahil alam kong di pa talaga ako patay?
Pumikit ulit ako
Putang inang disiplina sa sarili
Putang inang punctuality
Inaantok pa ko
Bahala na ang mundo sa sarili nya
Pero bigla kong naisip
Marami nga pala ang walang trabaho
Bakit marami ang walang trabaho?
Ah...sabi nga pala ni Rizal
tamad daw ang mga Pilipino
Tamad nga ba?
Kahit ano
Marami pa rin ang walang trabaho
Ano kaya?
Matutulog kaya ulit ako?

Monday, October 17, 2005

"Happiness Is..."

Happiness is an extra gravy
A simple smile
A shiny shoe
A soft pillow at night

Happiness is a cup of coffee
A morsel of bread
A clean shirt
A foggy morning

Happiness is a beautiful quotation
A "hello"
An "I miss you"
A "how are you?"

Happiness is a prayer
A "thank you"
A "good job!"
A "take care"

Happiness is a drop of rain
A ray of sunlight
A falling leaf
A gentle breeze

Happiness is a cherished memory
A clean conscience
A helping hand
A kind word

Happiness is truth
Happiness is love
Happiness is faith
Happiness is every kind, good and simple
things most of us take for granted.....


"Happiness Is..." first appeared on emanilapoetry.com and is reprinted here with consent of emanila.com pty ltd.

Saturday, October 15, 2005

"Mabango Ba Ang Tao Ng Tae?"

Mabango ba ang tao ng tae?
Mabaho ba ang halaman ng bulaklak?
Madilim ba ang araw ng sinag?
Maliwanag ba ang panahon ng ihip?

Masarap ba ang sikmura ng kalam?
Masakit ba ang ina ng halik?
Mapait ba ang dalaga ng ngiti?
Matamis ba ang kapalaran ng andar?

Mura ba ang buhay ng halaga?
Mahal ba ang pangarap ng presyo?
Mapangit ba ang Diyos ng nilikha?
Maganda ba ang kasalanan ng paggawa?

Matapat ba ang ating bansa sa mga pulitiko?
Mapagpanggap ba ang bata ng salita?
Maayos ba ang Pilipino ng maraming buhay?
Magulo ba kung may puso sa patriyotismo?

Madalang ba ang ulan ng patak?
Madalas ba ang tao ng pagdarasal?
Malinis ba ang konsensya ng bulong?
Marumi ba ang epekto ng gobyerno sa pakikialam?

Malapit na ba ang bayan ng pagbabago?
Malayo pa ba ang bayani ng mga paglitaw?
Maaliwalas ba ang kasinungalingan ng landas?
Masukal ba kung may taongbayan ang malasakit?

Thursday, October 13, 2005

"Ang Mahiwagang Pantas"

Karimlan...
Binalot ng dilim ang
Mga paraisong parisukat
Mga puno ay naging
Mga diwata
Sa isang kaharian
Nagtipon ang mga pantas
Nagkaroon ng pagtatalo
At lahat ay nagwagi
Nagtalik ang mga
Diwata at pantas

Sa isang bilangguan
Na puno ng mabaho at
Maitim na usok
Isang uri ng usok
Na buhay at kumakapit
Sa kaluluwa ng sinumang
Mapasok dito
Nakapiit ang ibang mga pantas
Maraming rin ditong nagaganap
na mga pagtatalo
May mga nagwawagi
May mga natatalo

Ngunit sa isang payak na hardin
Na nasa ituktok ng
Naglalakbay na maputing ulap
Dito madalas matagpuan
Ang isang mahiwagang pantas
Sa harding ito niya
Nakakasalimuha ang iba't ibang
Pantas na tulad niya'y
Mahihiwaga rin naman
Minsan lamang ang mga pagtatalo
Subalit masisidhi at
Nakaririmarim ang mga
Minsanang pagtutunggaling ito

Sa bandang huli
Pinili ng mahiwagang pantas
Na manatili na lamang
Sa hardin sa ibabaw ng ulap
Sapagkat dito ay may
Malalalim na kahulugan ang
Mga pagtatalong kaniyang
Kinasangkutan...

"Ang Pagiging Bughaw"

Tumapak ako sa lupa
At may bughaw na katas
ang sumuot sa aking talampakan
Unti-unti naging bughaw ang
aking paa, pagkatapos ay
Ang aking binti
Hanggang sa maging bughaw ang
buo kong katawan
Naging bughaw ang aking
Kaluluwa
Bughaw na rin ang lupa
Dati nang bughaw ang langit
Mga puno'y bughaw
Mga tao'y bughaw
Lahat ng bagay ay naging bughaw
Natakot ako
At hindi ko alam kung bakit
Dahil kaya bughaw na ang lahat ng bagay?
O dahil dati ay hindi sila bughaw?
Gusto kong mawala ang pagkabughaw
Ngunit kailangan ko munang
Hindi maging bughaw
Ngunit ano ang aking gagawin?
Kailangan kong isipin...

"Buhay Ay Di Pelikula"

May kanta ba kapag nagtatagumpay?
May tugtog ba ng tambol kapag may
naghahabulan sa kalsada?
Sumasabay ba ang ulan sa
tampuhan ng magkasintahan?
Sumisirit ba ang dugo kapag
nasusugatan?
Buhay ay di pelikula.
Lagi bang nasosolusyunan ang problema?
Lagi bang nagbabago ang mga tao?
Lagi bang yumayaman ang mahihirap?
Walang magic.
Buhay ay di pelikula.
Kailangan bang umiyak kapag may
namatay na kamag-anak?
Kailangan bang parangalan sa
entablado kapag gumawa ng mabuti?
Mga gwapo't magaganda lang ba
ang may tunay na pagmamahal?
Buhay ay di pelikula.


"Buhay Ay Di Pelikula" first appeared on emanilapoetry.com and is reprinted here with consent of emanila.com pty ltd.

"Kumakatas Na Mga Bagay"

Kumakatas na mga bagay
Kumakatas na mga bagay
Ooooohhh!
Kumakatas na mga bagay
Kumakatas na mga bagay
Aaaaahhh!
Kumakatas na mga bagay
Kumakatas na mga bagay
Hmmmmmm....
Kumakatas na mga bagay
Kumakatas na mga bagay
Araaaaayyyy!
Kumakatas na mga bagay...

"A Moron Will Not Be"

It's a secret
Just why angels are here
Could it be faith
Or senseless events
At the correct order
Or correct nonexistence
And crossings
And if a part of an Alchemist's words
Ease our existence
To transform us
Into a catastrophic explosion
Then put in your mind
God exists and a moron will be
So too will an angel be
Feel the warmth of my breath
Stop crying
Because when an impossible seems
Like a crystal
A moron will not be
From the cutter of gravity
Of your forbodings and worries
A grand source of emotion
A moron will not be
Recall how angels rejoiced
Until they became sad
At the king of moronic events
It's like ecstasy
But in every heart is where we were
We are channel seven fanatics
And though you would not comprehend
This random cohesion of our thoughts
And why it is still happening
Someday angels will cost nothing
Call to God and be imaginative
When a cigarette is consumed completely
And when you are lying
A moron will not be
When your voice is weak
I'll become weaker
A moron will not be
In my battle
Through the endless icy river
Do not be conscious
A moron will not be
When no one knows
Angels will know
A moron will not
A moron will not
A moron will not be
Be my confidant
A moron will not be...

"The Sun-started Dog Said Die Now And Be Dead"

Aliens as a dog
Force me the darkness
North Diversion
My life, I need nothing to be
With a dog
I'm a beverage in what
Began the day
I'm bad in the lonely moment
The night
Like a madman looking for you
You don't care
It's dark in here
The silly dog
It's burning like hell
You are not and i can't
Yes, you always do
That which does not exists
That's what you think i will do
If you don't love me anymore
I can't, I really can't
And all the world
And nothing
10:50 at night
To me, that which you didn't
The sun-started dog said die now and be dead
The impossible occurence in your beauty
That i behold through the post-war
The heat of your cigarette is announcing
To you and me
I can't understand why you didn't
I really never would have
What's that word
It's the effect of gravity
She's turned into an alien
She's turned into an alien
She's turned me into an alien too
The sun-started dog said die now and be dead...

"Kaharap ng Langit Na Pinili"

Pilipinas
Alahas ng direksyon ng araw
Ningas ng mapulang bagay
Kung nasaan ang pusong humihinga
Kaharap ng langit na pinili
Naghehele ka ng mga bayani
Sa Estados Unidos di ka pasasakop
Sa maraming isda at Mt. Everest
Sa nalalanghap at sa kaharap ng lupa mong
Nilalapitan ng lamok
May Maria Clarang mundo
At The Day You Said Good Night
Sa Hunyo a-doseng asawa
Ang watusi ng dapat igalang mo'y
Manny Pacquiao na bituing marikit
Ang starfish at panot nya'y MERALCO
Aming ako nang pag may Estados Unidos
Ang mapunta sa langit nang dahil sa aso...

"Srebrenica at Tinapay"

Nalalatag sa abuhing
papel
Sumusuot sa
maitim na bola
Nalalatag sa
maputing porselana
Sumusuot sa
malalim na balon

Srebrenica at tinapay!
Srebrenica at tinapay!

Tam Tininam Tininam
Tim Tananim Tananim

"Melancholic Freak"

I saw a drop of blood
Fall down from my arms
I saw humanity
Killing humanity
I saw a dog
Walking in the street
I saw myself
Looking at the mirror
Wondering what happened
Or what didn't happen
I saw a dove
Passing above a tree
I saw you
I saw you kissing me
Then i saw something
Something that caught my attention
I saw a crack
In a wall
I saw my future
I saw our future
Then i saw a child
And in his eyes
I saw a melancholic freak

"Umuwi Ka Na Baby"

Baby, umuwi ka na
Naghihintay ako
Yesterday is the day you said goodnight
Ngayon ay wala ka pa rin
Sorry, kulang lang ako sa pansin
Miss na kita
Nagdasal na nga ako sa simbahan
Kumanta ako ng Hallelujah
Hanggang kailan ako maghihintay
Baby, umuwi ka na
At sana sa pag-uwi mo
Di ka na umalis
Stay ka na lang dito
Please baby, stay...
You'll be safe here naman eh...

"Maganda Pa Ang Buhay"

Trapik na naman sa Edsa
Pamasahe ay dose pesos na
Malakas ang ulan
Naiwan ko ang payong ko
Kahapon ay maaraw
Dala ko ang payong ko
Pati na ang sombrero ko
Pati na ang jacket ko
Tambak ang trabaho pagdating sa opisina
Asyete pa lang sweldo ko'y ubos na
Pagbaba ko sa bus may tindero ng taho
Maganda pa ang buhay

"Ang Batang Walang Alam"

Tayo nang magmasid
Tayo nang makinig
Ating panandaliang sulyapan
Kilatisin at tunghayan
Ang kwento ng batang walang alam

Ang batang walang alam
Di nya alam kung siya'y nasaan
Nasaan nga ba?
Nasaan ang batang walang alam?

Ang batang walang alam
Di nya alam ang kanyang pangalan
Ano nga ba ang pangalan?
Pangalan ng batang walang alam?

Ang batang walang alam
Di nya alam kung sino ang kanyang mga magulang
Sino nga ba ang mga magulang?
Mga magulang ng batang walang alam?

Ang batang walang alam
Di nya alam sumulat, di nya alam bumasa
Bakit nga kaya?
Sumulat at bumasa ay di nya alam?

Ang batang walang alam
Di nya alam kung may kinabukasan siya
May kinabukasan nga ba?
Ang batang walang alam?

Ang batang walang alam
Di nya alam kung ano ang kanyang nararamdaman
Hindi nga ba alam ng batang walang alam
Ang kanyang nararamdaman?

Ang batang walang alam
Ano ang gusto nyang sabihin?
Ano ang gusto nyang gawin?
Sino ang nakaaalam?

"Makinanginamo"

Nagsimulang umandar ang makina
Makina ng isang mahiwagang katarantaduhan
Makinang walang kuryente
Makinang walang kwenta
Sumuot sa diwa
Sumapi sa kaluluwa
Nagsimulang mangarap
Umusbong
Lumaya...

"Jollibee"

Sa Jollibee, ako'y kumain
Isang gabi sa Philcoa
Kasama ko'y isang kaibigan
Order namin ay magkaiba
Sa akin ay burger at fries
Kanya nama'y burger at rice
Masarap ang kain namin
Nang may biglang dumating
May kakilala ang kaibigan ko
na biglang umupo sa tabi namin
Nag-usap silang dalawa
Tahimik lang ako
Tapos ay umalis na siya
At nag-uwian na kami
At may kabayo sa damuhan

"Kape"

Isang gabi,
Nagtimpla ako ng kape
At bumili ako ng pandesal
sa tindahan ni Aling Nitz
Gabi na at madilim
Malamig ang simoy ng hangin
Nag-init muna ako ng tubig
Tapos ay pinalamnan ko ng
mantikilya ang pandesal na aking
Binili sa tindahan
Pagkatapos ay umupo ako
sa harapan ng aming bahay
Tahimik ang gabi, walang tao sa labas
Puro kulisap ang maririnig
Nakaaantok ang dilim at nakabibighani
Ang liwanag ng buwan
May maputing ulap na kumukumot
sa mga bituin
Sinimulan kong lagukin
Ang mainit na kape
Gumuhit sa aking lalamunan ang
matamis at mapait na kape
kumagat ako ng pandesal
Tinitigan ko ang langit
Ang langit ay naging kape
Ang mga ulap ay naging pandesal
ako ay naging buwan

"Pusa sa Ilalim ng Puno"

Unti-unti akong nagiging
Pusa sa ilalim ng puno
Magaan ang pakiramdam
Subalit mabigat ang dinadala
Unti-unti akong kinakain
ng isang pwersang
Mapanganib, nakatatakot
Ako'y niluluoy ng sariling lakas
Lakas, na sa kalauna'y nagiging
Isang nakapanglalatang hila
Na nagdadala sa akin sa isang
Madilim na hukay
Gusto ko nang kumawala
Subalit ang puno ay nakaaakit
Malamig ang simoy ng hangin at
Nakaaaliw ang sinag ng araw
Ngunit kailangan kong tumungo sa
burol kung saan malakas ang buhos
Ng ulan Kailangan kong ginawin
At kailangan kong lumayo sa puno
Upang unti unti akong makabangong muli
Nang hindi nakahawak
sa anumang sanga o dahon
Kailangan kong maging ibon.