Isang Dakot Na Salita, Isang Basong Gunita

Thursday, July 27, 2006

"Sa Paglangitngit Ng Mga Kawayan"

Habang tinatangay ang mga tuyot na dahon
Ng hanging malamig, busilak at mahinahon
Ako'y napapadpad sa alaala ng kahapon
Napapangiti, napapaluha, sa bilis ng panahon

Sa tuwing ako ay nagsisimulang magduyan
Sa nakaaantok na simoy ng nakaraan
Sa paglangitngit ng mga kawayan
Nasasariwa ang naglahong kamusmusan

Ulan, bagyo, baha at putik
Kalabaw, bibe, kambing at itik
Mga palay at sampalok na namumutiktik
Sa alaala ng aming pagtira sa bukid

Sa umaga ako ay maagang gumigising
Gatas ng kalabaw ang inuulam namin
Nagwawalis na ng bakuran si inay
Habang si itay ay nagbabayo ng palay

Si lola, si lolo at saka si tito
Mga tita, pinsan, at makulit na aso
Sama-samang nanghuhuli ng bulig at hito
Habang ako ay nakaakyat sa puno

Duhat, bayabas, mangga at saging
Pinagsawaan ko sa malawak na bukirin
Talangka, palaka at maliliit na isda
Aming hinuhuli sa pilapil at sapa

Masarap ang gulay na luto ni nanay
Talong, okra, at mais na ginulay
Mais na ginulay na may malunggay!
Masarap kainin kapag may kasabay

Saranggolang bigay sa akin ni tatay
Mataas ang lipad at maraming kulay
Una't huling saranggolang bigay
Ng aking masipag at mabait na itay

Sa tuwing ako ay napapatanaw sa kawayan
Habang umiihip ang hanging amihan
Kayraming gunita ang aking nasasalang
Sa paglangitngit ng mga kawayan

Kawayan, kawayan, sa pagyuko ng kawayan
Aking nakalipas ay nalilingunan
Habang tumataas nga daw ang kawayan
Mas humahalik sa lupa kapag nahanginan



"Sa Paglangitngit Ng Mga Kawayan" first appeared on
emanilapoetry.com and is reprinted here with
consent of emanila.com pty ltd.

Sunday, July 23, 2006

"A Beautiful World"

I believe in
A beautiful world
Where people are not
Perfect
But are true to themselves
And where people
Value love and peace
Above all
I believe in
A beautiful world
Where trees are
Abundant
And hatred is scarce
Where water and air are pure
As pure as people's hearts
I believe in
A beautiful world
Where people respect
Each other's opinions
Where religions
Are but opinions
I believe in
A beautiful world
A world not without
Ugliness
But a world
Without prejudice
Where everyone has
A chance
Before being judged
I believe in
A beautiful world
Where rain drops
Fall on green meadows
Where red roses
Bloom under a blue sky
I believe in
A beautiful world


"A Beautiful World" first appeared on
emanilapoetry.com and is reprinted here with
consent of emanila.com pty ltd.

"Nasaan Ka Na Herbert S.?"

Nasaan ka na Herbert S.?
Saang pagkakataon
Nga ba tayo naghiwalay?
Ikaw Herbert S. na
Kaibigang tunay
Hindi ko alam kung
Kaibigan mo nga ako
Ang masasabi ko lang
Ikaw ay kaibigan ko
Alam na alam ko
Ang naging galit mo
Sa hindi ko malaman
Siguro sa mundo
Maawa, maawa
Ang langit sayo
Maawa rin Siya
Sa mapanghusgang
Mga tao
Nagrebelde ka
Siguro'y nagpakagago
Siguro rin ako'y
Nagiging eksaherado
Bali-balita lang
Ang naririnig ko
Hindi ko alam
Kung lahat ay totoo
Sana magkausap
Naman ulit tayo
Mga dati mong kaibigan
Narito pa rin
Para sayo
Pag-asa ay lagi
Laging bitbitin mo
Ang buhay ay ganyan
Huwag kang magpatalo


"Nasaan Ka Na Herbert S.?" first appeared on
emanilapoetry.com and is reprinted here with
consent of emanila.com pty ltd.

"Kung Alam Mo Lamang"

Kung alam mo lamang
Kung gaano kita minahal
Kung alam mo lamang
Kung gaano ako nasaktan
Di naman ako nagagalit
Ni hindi nagtatampo
Ang sa akin lang naman
Ay kung sakaling alam mo
Kung alam mo lamang
Na walang nagdaang araw
Na ang iyong mukha
Sa isip ko'y di natanaw
Kapag naririnig ko
Ang tinig mo
Napapawi lahat
Ng kalungkutan ko
Kahapon at bukas
Kaya kong iwaksi
Para sa kasalukyang
Ikaw ay katabi
Ngumiti ka lamang
Ligaya ko'y walang paglagyan
Sa pagtawa mo nga'y
Para na akong lumulutang
Kung alam mo lamang
Ang nagawa mong pagbabago
Nang ikaw ay dumating
Sa buhay kong ito
Wala nang hinangad kundi
Pag-ibig mo
Wala nang pinangarap
Kundi pagsinta mo
Inaamin kong ako'y nasaktan
Nasaktan, nasaktan
Nalungkot, nasugatan
Gumulong sa lupa
Ang kulang na lamang
Kung alam mo lamang
Kahit di ka lumisan
Pakiramdam ko pa rin
Ako'y iyong iniwan
Pangako sa sarili
Magkakasya na lamang
Sa pagkakaibigan na
Ipinagdamot mo'y
Hindi naman
Nung umpisa pa lamang
Itinuring na akong kaibigan
Kaya nga humanga
Sa taglay mong kabaitan
Likas na marahil
Sa iyo ang kabanalan
Kaya't sandali lamang
Paghanga ko'y
Naging pagmamahal
Hay, pag-big
Anong saklap, anong hiwaga
Kulang na lamang
Ako'y tumawa't lumuha
Ako nga ba ay mayroon
Mayroon bang magagawa
Kung tayong dalawa
Ay hindi itinadhana
At saan natatapos
Natatapos kaya
Ang pag-ibig na minsang
Ako ay kinutya
Kung alam mo lamang
Itong isinusulat kong tula
Ay ayaw matapos
O bakit kaya?
Gaya na rin siguro
Ng pag-ibig kong aba
Hirap na wasakan
Ang paghawak sa pag-asa
Pag-asa, pag-asa
Hanggang kailan kaya?
Sana'y tumagal pa
Ngayong alam mo na...


"Kung Alam Mo Lamang" first appeared on
emanilapoetry.com and is reprinted here with
consent of emanila.com pty ltd.

"Tinulungan Ako Ng Ulan"

Umulan
Malakas na ulan
Bumuhos ang langit
Nakisabay ako
Lahat ng aking luha
Ay naibuhos na rin
Salamat sa ulan
Tinulungan niya akong sumigaw
Humampas ang hangin
Sa lahat ng bagay
Naihagis ko na rin ang lungkot ko
Sa kahit saan, sa kawalan
Ang malamig na hangin
Na rin ang pumatay
Sa aking nararamdaman
Para sa iyo
Salamat sa ulan
Salamat sa ulan...


"Tinulungan Ako Ng Ulan" first appeared on
emanilapoetry.com and is reprinted here with
consent of emanila.com pty ltd.

Friday, July 21, 2006

"Hihintayin Kita"

Nasaktan nga ba ako?
Nang sabihin mong puso mo
Ay pagmamay-ari na ng iba
Siguro ay nasaktan ako
At kahit gustong gusto kong
Isigaw na nasaktan ako
Ay hindi ko pa rin magawa
Sapagkat ang tanging
Tunay na makasasakit sa akin
Ay ang makita kang lumuluha
Masaya ako para sa iyo
At magdaan man ang panahon
Kahit ako'y makalimutan mo
Asahan mong ikaw
Ay mananatili sa puso ko
Hihintayin kita
Kung hindi man sa panaginip
Kahit sa langit
Hihintayin kita
Sapagkat kahit isang butil
Man lamang ng iyong pag-ibig
Kahit isang iglap ng iyong halik
Ang ipagkaloob sa akin ng tadhana
Ay ipagpapalit ko
Ang walang hanggan
Hihintayin kita
Kung hindi man sa panaginip
Kahit sa langit



"Hihintayin Kita" first appeared on
emanilapoetry.com and is reprinted here with
consent of emanila.com pty ltd.

"Listen"

All I want you to do
Is to listen
Can you hear my voice?
I do not speak all the time
But most of the time I do
But you do not listen
Now, just this time
Listen

I am someone you do not know
I am a poet
I am a human being
I write about what I feel
You may or may not understand me
You may think I am stupid
But I thank you
You are still there
Listening

I am your mother
I may not know many things
About your generation
Or about you
But I love you
I will not tell you things
That will hurt you
And if I did
It means I love you more

I am your father
I will not tell you things
That will discourage you
Or make you think that you are
Insignificant
And if I did
I did not mean it

I am idealism
I am the almost perfect world
I am a truly free country
A happy family
A beautiful face and soul
A responsible genius
I am world peace
You may not believe in me now
But I will hope
I will wait

I am anybody
I am a stranger
I am a relative
An acquaintance
A friend
I am a fellow human being
You may not trust me
But I am always hoping you would
I can love, too
I have an opinion, too
I have cried and laughed
I also have a story to tell

I am you
You may not realize my value
You may sometimes think
That I am not important
That I'm too young to do things
Or too old to dream
That my life is mediocre
That I will die
Without fame or fortune
But deep inside me
I want to believe
And I know
That I have a purpose



"Listen" first appeared on
emanilapoetry.com and is reprinted here with
consent of emanila.com pty ltd.

"Paglalayag Sa Ibabaw Ng Kape"

Sa pag-ihip ng malamig na hangin
At kulimlim na nagdadala sa atin
Sa iba't ibang ideya at damdamin
Natin sinisimulang lakbayin
Ang daigdig ng mga antukin

Kaysarap magsagwan sa ilalim ng buwan
Habang kapeng umuusok ay ating tangan
Kaysarap namnamin ng ngiti mong matamis
Mata mong anong pungay
Tinatanggal ang aking hapis

Kayrami na nating napupuntahan
Pag-ibig, buhay at iba pang kakornihan
Halakhak mo minsan ay umaalingawngaw
Maya-maya mata mo ay di ko na matanaw
Nakayuko ka lamang at di gumagalaw

Lumubog lumitaw ang balsang usapan
Bumilis bumagal ang andar ng kwentuhan
Lumalim bumabaw ang tubig na paksaan
Kapeng iniinom natin na para ring kaibigan
Ang sya ring dagat na ating pinaglalakbayan


"Paglalayag Sa Ibabaw Ng Kape" first appeared on
emanilapoetry.com and is reprinted here with
consent of emanila.com pty ltd.

Wednesday, July 12, 2006

"The Atom Of Your Existence"

It's as if
All the beauty in the world
Converged
Into the atom of your existence
And within a fraction of a second
I saw everything
Heard everything
Touched everything
And suddenly
I saw the universe in your eyes
And a blink from it
Became my eternity...


"The Atom Of Your Existence" first appeared on
emanilapoetry.com and is reprinted here with
consent of emanila.com pty ltd.

"Kung Sa Kinikitang Salapi"

Kung sa kinikitang salapi
Nasusukat ang pagwawagi
Kung sa kinikitang salapi
Natitimbang ang galing at puri
Paano na ang traysikel drayber
Na madilim pa ay namamasada na
Upang kumita ng kaunting barya
Pambili ng bigas at tinapa
Na kakainin ng kanyang pamilya
Mahihiya rin siguro
Ang tindero ng taho
Na nagkakandakuba maghapon
Upang anak at asawa'y di magutom
Sa impyerno na ba mapupunta
Ang bata na nagtitinda ng sampagita
Kinikita nya ay kulang pa
Na pambili ng sapin sa paa
Magiging sukdol ang kabanalan
Ng mga pulitikong swapang
O ng ilang mga businessman
Na ubod ng yaman
Na ang puhunan pala
Ay dugo at kadayaan
Kung sa kinikitang salapi
Nasusukat ang galing at puri
Ganito nga siguro ang mangyayari
Mabuti na lamang at hindi
Sapagkat may tinatawag rin tayong
Dangal at malinis na budhi


"Kung Sa Kinikitang Salapi" first appeared on
emanilapoetry.com and is reprinted here with
consent of emanila.com pty ltd.