My poems from emanilapoetry.com
The following poems first appeared on emanilapoetry.com and is reprinted here with consent of emanila.com pty ltd.
You Are My Sole Parameter
You, my love
You make me alive
You are my sole parameter
That makes me function
As I should
You balance the equation of my soul
You make every red blood cells
In my body
Traverse their rightful paths
You have discovered
Every possible combination
Of my moods
The matrices of my personality
You have mapped easily
I cannot think of a single algorithm
That will make your value undefined
And I feel, that I want an infinite loop
To make you mine forever
For you to make me essential
And to also make me your parameter
That will somehow be needed
By your existence
Seek me, use a binary search
Need me
Even if I am but a variable
In this realm of intricately woven
Mathematical quanta...
Posted: December 16, 2006
Once Again I Am A Child
One Sunday afternoon
I had a dream
That once again I am a child
A child playing under the rain
It wasn't the rain
It wasn't being a child
That almost made me cry
When I woke up from my dream
It was the thought
That once, we were all children
Children of our mothers
Children of our fathers
Children of God
Innocent, fragile
Curious, honest
Once, we play under the rain
Once, we long for the rainbow
Somehow, maybe
We must always let a part of ourselves
remain to be a child
So that we can still be humble enough
To look back at the past
When we still know nothing
When everything is the truth
When everything excites us,
And makes us smile
When a sun is still a sun that
lights up the world
And not a sun that causes skin cancer
And this feeling of being a child
May perhaps be the feeling
That will make us remember
How to forget
How to forgive
How to be happy
How to worship God
How to truly love...
Posted: December 4, 2006
This Is A Country, Not A Choice
This is a country,
not a choice
This is our home,
not an option
Will you choose to leave?
Will you choose to hope?
Choose your life?
Choose this country's future?
Is it about economics?
Or is it about hope?
Posted: November 22, 2006
Ang Hawi
Isang pangyayari sa buhay ni Teddy
Si Teddy na may cerebral palsy
Hindi makalakad, nasa wheelchair lamang
Tumutulo ang laway, laging may alalay
Pinapaliguan, pinakakain, dinadamitan
Si Teddy ay nabubuhay sa paggabay
Isang umaga pagpasok sa eskwela
May nasalubong siyang magagandang dalagita
Malikot man ang katawan nyang payat
Pinilit nyang abutin ang kanyang ulo
Hinawi ang kanyang buhok at ngumiti ng todo
Pilit man ang ngiti, may kahalong pait
Sanlibong pag-asa ang kanyang sinambit
Posted: November 19, 2006
Pamamacquiao
Wagi! wagi na naman!
Buong bayan ito'y inabangan
Naubos ang sasakyan sa lansangan
Lahat ay tumutok sa laban
Pinataob na naman ni Manny Pacquiao
Ang Latinong si Erik Morales
Sa harap ng buong mundo
Ipinakita ang talento ng Pilipino
Sa larangan ng boksing
Ipinakita nyang tayo ang panalo!
Ano nga ba ang epekto nito
Sa buhay ng bawat Pilipino?
Pag-asa, pag-asa!
Na kung isang dating panadero
Kayang likumin ang atensyon ng mundo
Maaaring ang isang ordinaryong tao
Ay magtagumpay rin gaya nito
Mangarap, magtiyaga, maniwala
Walang imposible
Sa taong nananampalataya
Posted: November 19, 2006
Naiihi Ako
Naiihi ako
Posted: October 31, 2006
Banal Na Pagtilapon
Ihagis mo
Ang pag-ibig mo sa hangin
Hayaang pumulandit
Ang iyong damdamin
Walang iisipin
Magmahal nang malalim
Banal na pagtilapon
Ng iyong emosyon
Balang araw ay kakalat
Sasambulat, masisiwalat
Sasabog ang kulay
Lalawiswis ang mga piraso
Lilikha ng ligayang
Sa mundo ay babago
Posted: October 16, 2006
Uwian
Uwian na naman dito sa opisina
Matagal pa ba ako'y naiinip na
Alas sais na ba, ano na, ano na
Gabi na, gabi na, gabi na
Trapik na naman, kailan ba hindi
Siksikan sa bus, nakakarindi
Rush hour na naman dito sa Ayala
Pag minamalas ka, umuulan pa
Uuwi ng gutom, pagod sa maghapon
Dadatnan mo ay mga tulog na tao
Hello upuan, aparador at aso
Kumusta ipis, magandang gabi sayo
Gigising bukas, lalakad, tatakbo
Papawisan, mauubuhan, mahihipuan
Siksikan, trapik, usok, maingay
Uupo sa desk, malapit na ba ang uwian?
Posted: October 16, 2006
Mahilig Ba Ako Sa Madilim?
Hindi ko alam kung nalulungkot ako
O inaantok lamang
Dahil ba ito sa langit na makulimlim
O sa kahinaan ng aking damdamin?
Baka naman malungkot lamang
Pinakikinggan kong awitin
Anong mababasa sa dingding?
May gintong kutsara ba sa hangin?
Mahilig ba ako sa madilim?
Naglalakbay sa malayong lupain?
Nabubuhay sa nakalipas na panahon
Nagpapalunod sa kaunting ambon
Mahuhulog na ang tuyong dahon
Ang araw ay lulubog mamayang hapon
Masdan mo ang napakagandang ibon
Umaawit sa saliw ng hanging mahinahon
Posted: October 13, 2006
Nasasamid Ang Mga Tao
Nasasamid ang mga tao
Minsan kapag nag-uusap
Hindi dire-diretso
Ang kwentuhan o pagtatalo
Huwag mong masyadong tularan
Mga bida sa entablado
Pelikula, magasin, dyaryo
Walang taong perpekto
Nasasamid ang mga tao
Nabubulol, nagkakasala
Pinapawisan, nasusugatan
Nadadapa, nabubulunan
May hilaw na mga katotohanan
May niluto at pinalamutian
Suriin ang iyong pagkatao
Huwag masyadong ideyalistiko
Nasasamid ang mga tao
Posted: October 12, 2006
Saang Landas Tutungo?
Saang landas tutungo?
Anong buhay ang pipiliin?
Umaandar ang panahon
Natutuyo ang mga dahon
Tumatanda ang mga tao
Mga pangarap ay naglalaho
Iibigin ba kita?
Iiwan kaya?
Mangingibang-bansa?
Habambuhay tutula?
Habang paningin ko ay iginagala
May mga tao nang nawala
May mga apoy sa damdamin
Hinipan na ng hangin
Kapag isip ay inililingon sa kahapon
May nahihipong mga ngiti at tuwa
Ni hindi sa materyal na bagay nagmula
Kundi sa mga nagpakatotoong puso at kaluluwa
Posted: October 10, 2006
Lumipas Na Kahapon
Bakit nalulungkot ako?
Nalulungkot nga ba?
Kapag naaalala
Lumipas na panahong kapiling ka
Sana ay mas minahal kita
Niyakap nang mas mahigpit
Hinagkan nang mas matagal
Tinitigan nang mas malapit
Mas pinagpasensyahan sana kita
Kinuwentuhan ng maraming istorya
Mas sinabihan ng "mahal kita"
Nginitian, sinamahan, pinagkatiwalaan
Nakaraang panahon
Lumipas na kahapon
Kailanman ay hindi maibabalik pa
Kung nasaan ka man sana ika'y masaya
Ina, ama, kapatid, kabarkada, sinta
Bakit nalulungkot ako?
Nalulungkot nga ba?
Siguro rin ay masaya
May bukas pa upang magsimula...
Posted: October 10, 2006
Mga Kahel Na Liwanag
Madilim
Katatapos lamang ng matinding bagyo
Walang kuryente sa mga kabahayan
Mga kahel na liwanag ng kandila
Ang tumatanglaw sa mga hapag kainan
Mga kubeta, mga pasilyo
Kwarto, tindahan, pasugalan, ospital
Biglang maririnig ang tugtog ng isang gitara
Aawit ang lahat
Yuyuko
Magdadasal
Magpapasalamat sa pagkakaligtas
Mula sa ulan
Sa baha, malakas na hangin
Makakatulog ang mga tao sa huni ng mga kulisap
Maiiwang gising ang mga kandila
Mauupos, didilim
Bukas, liwanag...
Posted: September 29, 2006
Kapag Natutuyo Ang Batis
Kapag pala natutuyo ang batis
Na dati ay sagana sa malinaw na tubig
Mga halaman sa paligid ay nalalanta
Mga isda ay kung saan-saan pumupunta
Kapag pala natitigil ang pagtula
Na dati ay lagi kong ginagawa
Mga ritmo at tugma ay maaaring mawala
Mabaon sa limot ng nalibang na makata
Tula, o tula, hinanap-hanap kita
Nauhaw ako sa hatid mong pagsinta
Pagdaloy ng buhay ay aking kinasabikan
Sarap ng iyong kalayaan muling matitikman
Posted: September 26, 2006
Baka Kung Ano'ng Isipin Ng Mga Tao
Huwag mong gawin yan
Huwag kang yumakap
Huwag kang tumawa nang malakas
Huwag kang pupunta riyan
Huwag mong kaibiganin ang taong iyan
Huwag mong sabihin yan
Huwag mo akong tingnan nang ganyan
Huwag kang kumindat
Huwag kang bumulong
Huwag kang lumingon sa kaliwa, o sa kanan
Huwag kang kumain ng ganyan
Huwag kang bibili nyan
Huwag mong sambahin yan
Huwag mong mahalin yan
Baka kung ano'ng isipin ng mga tao
- Dito ako masaya
Mas mahalaga nga ba ang iisipin ng mga tao?
Posted: September 15, 2006
Brain Vasectomy
Brain vasectomy
It's what seems I have had
Everytime I can't write any poem
No ideas in my mind
Impotent is my literary wand
No bustle in my punning gland
Fallopian tube of neverland
I need a donor of rhyming sperms
In search of a surrogate bloody page
One word at least to fire a rage
I have to get out from this cage!
Posted: February 7, 2007
Ikaw Ay Lumipad
Sa pag-asang uunlad
Ikaw ay lumipad
Tumungo sa bansang
Sa puso ay may hinahangad
Naipon sa maleta
Kasama ng iyong mga dala
Ang isang kimpal na pag-asa
Gumuhit sa langit
Ang iyong mga mata
Hinugot sa bulsa
Ang baong pananampalataya
Kung ano man ang iyong hinahanap
Kung saan man nais mapunta
Anuman ang nais makuha
Sana'y magbalik ka sinta
Sa ating tahanan ay mas maligaya
Lalo na kung nandito ka...
Posted: March 8, 2007
Bawat Patak ng Ulan sa Luneta
Iniisip mo ang hinaharap
Pinaplano mo ang bukas
Gumuguhit ka ng mga posibilidad
Tumatahak sa iba't ibang landas
Ngunit bawat piraso ng alikabok sa kalsada
Bawat patak ng ulan sa Luneta
O sirang gulong ng mga sasakyan
Ay may kani-kaniyang isinasakatuparan
Minsan ay ikaw ang nagagawan
Ng landas na akala mo'y ikaw ang may tangan
Sapagkat may pwersang kung anuman
Na bumabalot at sumasakop sa ating kapalaran
Posted: April 23, 2007
Ang Pagkakataon Ay Bawat Segundo
Ang pagkakataon ay bawat segundo
Pagkakataon nating magbago
O manatili kung ano tayo
Ang pagkakataon ay bawat segundo
Pagkakataong maging matalino
O manatiling maging anino
Ang pagkakataon ay bawat segundo
Pagkakataong galingan ang trabaho
O maging habambuhay na ordinaryo
Ang pagkakataon ay bawat segundo
Pagkakataong magpakatao
Magpakatao o magpakagago
Ang pagkakataon ay bawat segundo
Pagkakataong humawak sa isang prinsipyo
O palipasin ang oras sa pagbabalatkayo
Ang pagkakataon ay bawat segundo
Pagkakataong mabuhay nang totoo
O mabuhay para sa kasiyahan ng ibang tao...
Posted: April 18, 2007
Gumawa Tayo Ng Mga Bagay Na Sa Bandang Huli'y Ating Pagsisisihan
Tara kaibigan, gumawa tayo ng mga bagay
Na sa bandang huli'y ating pagsisisihan
Manigarilyo tayo, mag-adik sa alak at droga
Tayo'y maging mukang pera
Sumubsob tayo sa trabaho
Pabayaan natin ang ating mga kalusugan
Sayang ang kikitaing pera
Pahalagahan natin ang pera kaysa sa kalusugan
Huwag nating intindihin kung
Wala na tayong oras para sa pamilya
Pahalagahan natin ang pera kaysa sa pamilya!
Magsungit tayo, maging arogante
Maging makasarili tayo
Huwag magbigay sa kapwa
Sapagkat tayo'y nangangailangan din
Nagtratrabaho tayo, nagpapakahirap
Hayaan silang maghirap!
Magtrabaho din sila!
Kasalanan ng mahihirap kung bakit sila mahirap!
Sila ay tamad, sila ay tamad!
Walang tayong kinalaman sa kahirapan
Walang ring kinalaman ang gobyerno sa kahirapan
Ang mahihirap ang may kasalanan!
Hindi politikal ang ugat
Ng karamihan sa mga problema ng bansang ito!
Maging masama tayo
Isipin natin na tayo ang Diyos
Na tanga lang ang naniniwala sa Diyos
Na katangahan ang paniniwala sa Diyos
Tara, isipin nating imposibleng mayroong Diyos
Sapagkat tayo'y kung anung talino
Sapagkat magagaling tayong mga nilalang
Sambahin natin ang siyensya
Mamangha tayo sa lohika
Lasapin natin ang bawat argumentong
Nahahanap natin upang maipukol sa simbahan
Magmayabang tayo, kaibigan
Huwag tayong magdasal
Kalimutan natin ang pagbabasa ng Bibliya
Tara kaibigan, gumawa tayo ng mga bagay
Na sa bandang huli'y ating pagsisisihan
Posted: August 22, 2007
Panandaliang Itinitigil Ang Metapora
Panandaliang itinitigil ang metapora
Bigyang pansin ang nakikita ng mata
May mga batang musmos, sumisinghot ng rugby
Sa ilang mga lansangan nagkalat ang pulubi
Maraming basura, mabaho ang ilang palengke
Konting ulan lamang, baha na sa ibang kalye
Madaming walang trabaho
Nakatambay lamang sa kanto
Ilang paaralang pampubliko
Nagra-rally, kulang daw ang pondo
Nahuli ang jeep na aking sinasakyan
Ayon sa driver, katapat ay singkwenta pesos lang
May pulis akong nakita sa kanto
Maya-maya ay may inaabot nang gantso
Hindi naman sa pagiging pesimistiko
Naghahayag lamang ng mga nakikita ko
Ang mga bagay naman na aking nabanggit
Mas malamang sa hindi ay laging nauulit
Mas mabuting nga sanang positibo ang nakikita
Ngunit minsan kailangang titigan ang problema
Posted: July 31, 2007
The Persistence Of Philippine Politics
A desert, deserted
The streets, the people
Melting slogans scattered
Litters of names in bold letters
The voters, after choosing
The politicians, after winning
Mundane clocks are ticking
Posted: July 18, 2007
Ang Pinakamahabang Tula
Bakit hindi maari
Na ikaw ay kabigha-bighani
Kung mangyayaring
Lahat ng bagay sa mundo
Ay kabigha-bighani rin naman?
Dito tayo tumigil
Dito tayo huminto
Saan ito patutungo?
Posted: July 14, 2007
Lilikhain Ko Para Sa Iyo
Humawak ka sa aking kamay
Kumapit nang mahigpit
Ililigtas kita sa bilis ng andar ng panahon
Ikukulong ko ang ating mga puso
Sa isang bulang walang hangin
Pagmamahal ang bubuhay sa atin
At bawat hibla ng kagandahan
Ay ating mamalasin
Hindi tayo masasaktan
Walang mang-aalipin
Lulutang tayo sa awitin
Sa himig ng mga damdamin
Lilikhain ko para sa iyo
Ang paraisong inaasam mo
Kahit sa pangarap lamang
O sa mga salitang aking nabibitiwan
Posted: June 8, 2007
Umuusok na Kape
Nakapangalumbaba ka
Tulala at nakatitig sa umuusok na kape
Malamig sa labas at makulimlim
Nag-expand daw nang 6.9 per cent ang ekonomiya ng Pilipinas ayon sa dyaryong iyong nabasa kanina
Hinihintay pa rin ang huling resulta ng nakaraang botohan
Anong bagay ang magpapagalaw sa balanse?
Kanal o isang progresibong bansa?
Biglang umulan sa labas at sinabayan pa ng maiingay na mga sasakyan
Ngunit wala kang naririnig sapagkat napaliligiran ka ng malilinaw na salamin
May nalikhang reyalidad na hindi totoo
Mamaya, paglabas mo, gamitin mo ang dyaryo upang hindi ka mabasa ng ulan...
Posted: June 1, 2007